(North Cotabato/ February
5, 2015) ---Umaabot sa anim na libung
mag-aaral mula sa13 paaralan sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao ang
pansamantalang hindi muna pinapasok ng kani-kanilang mga magulang dahil sa
takot na maapektuhan kaugnay sa pagmasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic
Liberation Front (MILF) sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force noong Enero 25, 2015.
Ito ang kinumpirma
ni Autonomous Region in Muslim Mindanao regional executive secretary Atty.
Laisa Alamia, batay sa datos ng ARMM HEART mula sa Department of Education-ARMM
kung saan pinangangambahan ang pagresbak ng mga bandidong Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters (BIFF) laban sa tropa ng pamahalaan.
Umapela naman si
Atty. Kirby Abdullah, assistant regional secretary sa probinsya ng Maguindanao
sa publiko na tigilan na ang pagkakalat ng mga maling impormasyon o
spekulasyon kaugnay sa nasabing insidente.
Pangunahing concern
ngayon ng regional government at office of the Maguindanao Governor na
maibalik na sa normal ang kabuhayan sa bayan ng Mamasapano at mapadali ang
pagbabalik ng mga residente sa kanilang bahay at muling makapag-aral ang mga
kabataan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento