(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Sa kabila ng matagumpay
ang ginawang public hearing kahapon sa pagpapalawig ng pagkuha ng prangkisa ng
mga trysikel drivers and operators sa bayan ng Kabacan, ilan naman sa mga
asosasyon sa nasabing grupo ay tumutol dito.
Sa
panayam ng DXVL News kay Councilor Reyman Saldivar Vice chairman ng Committee on
Transportation, inihayag nitong ang naturang public hearing ay tungkol sa pag
amienda sa trysikel code bilang pagtugon sa petition letter ng Kabacan Unity Lines Tricycle and Operators Drivers
Association (KULTODA) sa Sangguniang Bayan sa Chairman ng Committee on
Transportation sa pangugunguna ni Hon. Herlo Guzman Sr na palawigin ng dalawang
taon ang pagkuha ng prangkisa.
Ang naturang public hearing ay dinaluhan ng
KULTODA at grupo ng 1-A-1 na tumutol sa naturang panukala na gawing 2 taon ang
pagkuha ng prangkisa.
Dagdag pa ni Saldivar mas pabor sa mga
trysikel driver kung magiging 2 taon ang pagkuha ng prangkisa dahil hindi sila
maaabala sa kanilang pamamasada.
Binigyang diin din ng opi na kung ano man
ang ikabubuti ng nakararami ay ‘yon ang aaprubahan ng Sangguniang Bayan.
Samantala, nagbigay naman ng reaksyon ang
opisyal ng route 1-A-1 Officer Samuel Dapun na kung gagawing 2 taon ang renewal
ng prangkisa nais sana nilang isali din ang pagkuha ng Mayor’s permit, Barangay
Clearance, Police clearance at iba pang collection fees na gawin din dalawang
taon.
Ito para mabigyan din ng hustisya ang
sinasabing pagpapalawig ng dalawang taon.
Paliwanag pa niya na hindi rin umano
nakikita ng Sanggunian na marami pa rin ang kolurom at mga di nakapag-renew
taon-taon at possible pa umanong dadami ang kolurom kapag palalawigin din ng
dalawang taon ang pagkuha ng prangkisa.
Dahil dito, iginiit ni Dapon sa nangyaring
Public Hearing kahapon na gawin munang status Quo ang nasabing panukala.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng kanyang
reaksiyon ang secretary ng KULTODA na si Amado Adana Jr. matapos na sumugod ito
sa DXVL kahapon hinggil sa kanyang pagsalungat sa ilang mga pahayag ni Dapon.
Aniya, gumagawa sila ng petisyon na humihiling
sa Sanggunian na palawigin ng dalawang taon ang pagkuha ng prangkisa ito upang mapagaan
ang pasanin na babayarin ng mga tricycle draybers and operators.
May patutsada rin ito kay Dapon sapagkat
personal niyang inatake ang opisyal sapagkat wala rin umanong ito nagawa nu’ng
ipinasa ang fare increase ng KULTODA sa bayan ng Kabacan at lahat din ng ruta
ay nabenipisyuhan kasama na ang route A-1-A, ayon pa kay ginuong Adana.
Nakatakda namang sasagutin mamayang hapon sa
programang periodiko express dito sa DXVL ni Samuel Dapon ang mga patutsada ni Amado
“Nognog” Adana Jr. Rhoderick Beñez and Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento