(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015)
---Nakatanggap ng libreng kagamitan ang mga 225 na mga batang naapektuhan ng
pagbaha mula sa LGU Kabacan.
Ito ayon kay Municipal Social Welfare and
Development Officer Susan Macalipat sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya ang pamimigay umano ng mga libreng
kagamitan tulad na lamang ng mga tsinelas, laruan at damit ay nasa ilalim ng
programang Handog Pagmamahal para sa mga Kabataan ng Kabacan sa pangunguna ni Municipality
of Kabacan First Lady Evangeline P. Guzman.
Dagdag pa ni MSWDO Macalipat ito umano ay
naglalayong mapasaya ang mga bata mula sa sampung Day Care Centers na
naapektuhan ng pagbaha, na kahit sa simpleng bagay lamang umano ay maibsan ang
mga negatibong dulot na dala ng pagbaha. Lynneth
A. Oniot
0 comments:
Mag-post ng isang Komento