Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dalawang Barangay sa Kabacan, nakatanggap ng Farm Inputs galing sa DAR PAMANA Program

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Dalawang Barangay sa bayan ng Kabacan ang nakatanggap na ng kanilang mga farm inputs na galing sa PAMANA Program ng Department of Agrarian Reform (DAR) kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Administrative Aide VI, Myraflor D. Pamplona, kabilang sa mga na nakatanggap ng nasabing farm inputs ay ang Barangay Bangilan at Barangay Aringay.
Ilan sa mga farm inputs  ang kanilang naibigay ay ang abono.

Ito umano ang mga hiniling ng Peoples Organization  (PO) o grupo ng mga farmers na mismong beneficiary ng programa.

kabilang sa mga naghatid ng mga inputs ay ang mga taga DAR Provincial office, Local Government Office, Department of Agriculture at ang Municipal Office of Agrarian  para susihin ang mga suplay na denileber kung naayon sa mga inirequest ng mga PO.


Ayon kay Pamplona, ang nasabing mga farm inputs ay may halagang 300,000 kada taon na nakalaan sa bawat  Peoples Organization na benepesyaryo kung saan ito ang magiging kanilang income generating para mag papatuloy ang nasabing programa. Vanessa Jane Reyes

0 comments:

Mag-post ng isang Komento