(Kabacan,
North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nagbigay ng paalala ang pamunuan ng
Kabacan PNP sa lahat, lalong-lalo na sa mga taga Kabacan na maging responsable
at wag basta-basta iwan nalang ang gamit kahit saan.
Sa
panayam ng DXVL News kay PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP inihayag
nitong isa ito sa kampanya ng Kabacan PNP para lalo pang paigtingin ang seguridad
sa bayan ng Kabacan.
Humingi din ito ng despensa sa mga residente sa purwesyong hatid nito, aniya ginagawa lang nila ang kanilang tungkulin.
Ngunit
nagpapasalamat din si Melgarejo sa mga residenteng naging alerto sa pagbabantay
ng seguridad kung saan mabilis na inirereport sa kanilang tanggapan ang mga
kahina-hinalang mga bagay. Vanessa Jane
Reyes
0 comments:
Mag-post ng isang Komento