Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BFP Kidapawan patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Lanao, Kidapawan City; 9 na kabahayan naabu

(KidapawanCity/ February 3, 2015) ---Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Kidapawan hinggil sa nangyaring sunog pasado alas dyes ng umaga kahapon sa residential area sa Brgy. Lanao, Kidapawan City.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni FO2 Tongan Jalo na gawa sa light materials ang siyam na bahay na tinupok ng apoy. Aniya umaabot sa mahigit kumulang limampung libong piso ang halaga ng mga nasunog.

Dagdag pa ni Jalo na tumagal ng sampung minuto ang fire fight operation ng BFP Kidapawan.

Sa inisyal na pagsisiysat ng BFP Kidapawan, may nakapagsabi umano na sa likurang bahagi ng bahay nagmula ang apoy ngunit di pa matumbok kung saan banda sa likod ng bahay ang naging dahilan ng sunog.

Inihayag din ng fire officer na isa ang sugatan sa nasabing sunog. Kinilala ang biktima na si Joceline Anteqonia 28 anyos.


Nagpaalala din si Jalo sa mga residente na mag ingat sa sunog at bago umano umalis sa bahay ay siguraduhing nabunot o na-unplug ang mga electrical appliances. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento