(North
Cotabato/ February 2, 2015) ---Nakiramay ang 602nd Brigade sa
Pambansang Araw ng Pagluluksa na pinangunahan ni 602nd Brigade
Commanding Officer Col. Noel Clement sa mga kasamahang SAF na namatay sa
engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa panayam ng DXVL News kay Col. Clement, naka half mast umano ang kanilang
bandera at inaasahang magpapatuloy ito sa loob ng limang araw na syang direktiba
galing sa kanilang General Head Quarters.
Dagdag
pa niya, kasalukuyan umano silang nagluluksa kasama ang mga pamilya ng kanilang
mga namatay na kasamahan sa PNP- SAF o kilala sa tawag na Fallen 44.
Samantala,
Hiniling ng 602nd Brigade na maging vigilante ang mga mamamayan ng
North Cotabato sa mga nangyayaring pamomomba sa iilang parte ng lalawigan.
Tinawag
din na very unfortunate ni Col. Clement ang mga insidente ng pamomomba sa
lalawigan.
Aniya,
kinakausap na umano nila ngayon ang lahat ng mga stakeholders, mula care takers
ng mga towers, civilian populace, local officials, at pati na rin ang mga
government forces.
Nagsasagawa
rin umano sila ng workshops kasama ang PNP at CAFGU Forces para sa kaalaman ng
lahat. Rhoderick Beñez and Rizalyn
Launio
0 comments:
Mag-post ng isang Komento