(Kabacan, North Cotabato/ February 4,
2015) ---Nagkaroon ng ibat-ibang reaksyon mula sa ibat-ibang grupo ng mga
trycicle drivers at sagguniang bayan ang naging diskusyon sa public hearing
tungkol sa panukalang batas na ipinasa ng Kultoda hinggil sa pagpapalawig ng
pagkuha ng prankisa.
Ayon kay Ginoong Jun Padagas,
miyembro ng Kultoda sa panayam ng DXVL News, ay meroon umanong benepisyong
makukuha ang trycicle at mga trysikad drivers kung sakali mang maaprobahan ang
nasabing panukala.
Ayon naman kay Ginoong Samuel Dapon
sa hiwalay na panayam sa kanya, Iba din umano ang pagkakaintindi nito sa mga
babayarin kapag naaprobahan ang panukalang ito.
Giit pa nito na hindi naman umano
sila totul sa panukalang ito, at nagbigay din ng reaksyon hinggil sa hindi
umano pagtatanong sa kanila kung meroon
ba silang mga katanungan o paglilinaw o reaksiyon bago isinara ang nasabing
pagpupulong ng presiding officer.
Dagdag pa ni Dapon na ni hindi daw
nila alam umano kung sino ang presiding officer sa nangyaring public hearing sa
USM Gym kamakalawa.
Samantala agad namang nagbigay ng paglilinaw
si Committee on Trasportation Reyman sa Saldivar sa hiwalay din na panayam sa
kanya ng DXVL.
Sinagot din ng Salvar ang sinabi ni
Dapun na hindi sila nagbigay ng pagkakataong magtanong kung meron bang tanong, paglilinaw
sa kanila.
Giit din ng opisyal na hindi umano
pwede ang kahilingan ni Mr. Dapun na lahat ng babayarin kasali ang Mayors
permit na magiging kasali sa gagawing dalawang taon ang renewal.
Nanawagan naman ang opisyal na wag na
itong gawing malaking isyu at magsumite na lamang ng petisyon.
Dagdag pa nito na ang kanilang
magiging desisyon sa panukalang ito ay nakabase sa disisyon ng karamihan. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento