(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Masasaksihan
na ang inaabangang Lantaw 2015, “Digital Short Film Festival” na gaganapin sa
University of Southern Mindanao, Gymnasium sa darating na February 7, 2015 ala-
1 ng hapon.
Ang Lantaw 2015 ay katatampukan ng
dalawang pelikula- ang “HILING” by
Mockeez Avenue Productions at “BUGTAW” by Abot Kamay Ministry.
May halagang limampong piso ang ticket sa short film
festival na ito para mapanood ang dalawang kalahok na pelikula at ang tatlong
films na mula sa Ateneo De Davao University.
Mamimigay rin ng gadgets ang Lantaw staff pagkatapos ng
awarding gaya ng flasdrives, cellphones at tablet.
Ang nasabing short film festival ay taunang isinasagawa sa
loob ng pamantasan sa pangunguna ng Department of English Language and
Literature , USM English Club at AB English Society.
Layunin ng Lantaw Festival, na bigyan ng tiyansa ang mga
aspiring film makers sa loob ng pamantasan na ipakita ang kani- kanilang galing
sa paggawa ng mga de kalidad na pelikula at hasain ang kanilang kakayanan sa
larangang ito. Lorie Joy Dela Cruz
0 comments:
Mag-post ng isang Komento