Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pambato ng Kabacan Water District, wagi sa 36th Philippine Association of Water District National Convention

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Nagbigay ng inspirasyon sa kapwa estudyante at mga kabataan ang 4th year student ng University Laboratory School o ULS ng USM na naging pambato ng Kabacan Water District sa ginanap na 36th Philippine Association of Water District National Convention sa Cebu City.

Ang naturang estudyante ay nagngangalang si Clark Anthony Fabros na taga- Matalam at kasalukuyang nakatira sa Kabacan. 

Sa panayam ng DXVL news kay Clark ay naqualify siyang sumali sa national conmpetition dahil siya ang nanalo sa Municipal level category.

Samantala, nagbigay naman ng payo si Fabros sa kanyang kapwa mga estudyante at mga kabataan na mag- sipag sa pag- aaral upang maranasan din nila ang kanyang mga naranasang tagumpay.

Si Clark naman ay nagpaplanong kumuha ng kursong Civil Engineering sa University of the Philippines kung kakayanin umano ng suporta ng pamilya. (DXVL News exclusive: Mark Anthony Pispis)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento