Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Foundation Anniversary Celebration sa Kidapawan City, all set na

(Kidapawan City/ February 5, 2015) ---All set na ang Foundation Anniversary Celebration ng Kidapawan City na gaganapin sa darating na February 12, 2015.
Ang nasabing selebrasyon ay may temang Kidapawan City at 17: Celebrating Life, Sustaining Peace, Envisioning Prosperity. Ang mga aktibidad sa naturang anibersaryo ay sisimulan na sa darating na byernes February 6, 2015.
Ito ayon sa panayam ng DXVL news kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.

Kabilang sa nakahilerang aktibidad ay ang Motocross nagaganapin sa Barangay Sudapin sa darating na byernes alas- 8, at ang iba pa gaya ng funshoot, dancesports.
May nakalatag na ring sports activities gaya ng basketball tournament, chess, table tennis at volleyball na gaganapin din umano sa darating na Sabado, February 7, 2015.
Inihayag din ni Kidapawan City Mayor na isasagawa ang Military Civic Parade bilang opening sa nasabing selebrasyon at kasunod nito ay ang Opening Program na gaganapin sa City Gymnasium sa darating na Linggo, February 8, 2015.
Nilinaw naman ng alkalde na magkakaroon umano ng Mutya ng Kidapawan subalit ito ay gaganapin pa sa darating Oktubre. Ito umano ay upang mapaghandaang maayos ang naturang patimpalak at upang maipakita rin kung ano talaga ang Kidapawan na inilarawan niya bilang isang lungsod may unity and diversity.
Magkakaroon din umano ng peace concert sa darating na linggo alas- 6 ng gabi na gaganapin din umano sa City Gymnasium.
Dagdag rin niya na lahat umano ng isasagawang aktibidad ng City Government ng Kidapawan mula Feb. 6 hanggang 12 ay libre umanong masasaksihan ng publiko at walng anomang babayarang registration o entrance fee.
Siniguro naman ni City mayor ang Peace and Order sa naturang selebrasyon. Meron na umanong nakaassign na Security Team na magbabantay sa mga entrance and exit points sa Poblacion at may nakaantabay rin na security personnel sa City Plaza. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento