AMAS, Kidapawan City – (Feb
6) – Dalawang miyembro ng Head, Heart, Hands and Health o 4H Club of the
Philippines, Inc. sa Cotabato ang
nakatakdang magtungo ng Japan para sa 11-month Young Filipino Farmers Training ngayong
Abril, 2015.
Ito ay
sina Joey Belonio ng Barangay Tambac, Tulunan at Ronald Ariate ng Barangay New
Israel, Makilala, Cotabato na pawang mga representante ng Region 12 para sa
naturang training kung saan nakasentro sa pinakabagong technical training para
sa pagsasaka.
Ayon kay
4H Provincial Coordinator Judy Gomez, sina Belonio at Ariate ay sumailalim sa
mahigpit na screening at examination ng Office of the Provincial Agriculturist
o OPAG noong 2014 kung saan napabilang sila sa top 10.
Ang
naturang top 10 naman ay kumuha ng pagsusulit sa Agricultural Training
Institute o ATI noong Dec. 2014 kung saan sina Belonio at Ariate lamang ang
nakapasa, ayon pa kay Gomez.
Matapos
nito ay sumailalim sa 40-day Home Stay Module ang dalawa sa Sta. Cruz, Davao
del Sur mula Dec. 8, 2014 hanggang jan. 16, 2015 bilang bahagi ng kanilang
preparasyon sa training sa Japan.
Sa
kanilang pagtungo sa Japan, bibigyan sila ng training patungkol sa pinakabagong
technical farming skills and techniques na inaasahang magagamit sa kanilang
pagbalik sa bansa matapos ang 11 buwan.
Tatanggap
naman ng monthly allowance na abot sa 40,000 yen bawat isa sina Belonio at
Ariate sa oras na makarating sa Japan at libre na ang kanilang matitirhan sa
naturang bansa, ayon sa OPAG.
Kailangan
na lamang tapusin ng dalawa ang 70-day Pre-Departure Orientation Course o PDOC
mula Jan. 25 hanggang April 9, 2015 upang lalo pa silang maging handa sa
pagtungo ng Japan.
Nakapaloob
sa PDOC ang pagtuturo sa kanila ng Niponggo o Japanese language upang hindi
sila mahirapan sa pakikipag-usap sa mga Hapon.
Kaugnay
nito, natutuwa naman si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa ipinakitang
husayt nina Belonio at Ariate sa larangan ng pagsasaka.
Patunay
raw ito na kapaki-pakinabang ang mga programa at proyektong agikultura ng
Provincial Government of Cotabato at malaki ang papel nito sa pag-unlad ng
buhay ng mga magsasaka tulad nina Belonio at Ariate, dagdag pa ng gobernadora. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento