(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015)
---Nakatanggap na ng tulong ang dalawang barangay ng Kabacan, Cotabato mula sa
pamahalaang lokal ng Kabacan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and
Development o MSWDO Kabacan sa mga apektado ng pagbaha kamakailan.
Ito ayon sa mga datos na ibinigay ni
Municipal Social Welfare and Development Officer Susan C. Macalipat.
Ang mga barangay na nakatanggap na ng mga
tulong ay ang barangay Kayaga na may 2,717 pamilyang apektado ng baha at ang
Barangay Poblacion na may 500 na pamilya ang natulungan.
Matatandaan na sinalanta ng malaking pagbaha
ang iilang barangay ng Kabacan noong January 21 sa kasalukuyang taon na nalunod
ang kanilang bahay at mga kagamitan.
Iba’t- ibang ahensya at organisasyon naman
ang nag paabot ng tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.
Samantala, may iilang barangay ang hindi pa
nabigyan ng tulong na aabot sa mahigit dalawang libong pamilya pero patuloy
parin naman ang ginagawang Relief Operation ng MSWDO Kabacan. Rizalyn H. Launio
0 comments:
Mag-post ng isang Komento