Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2008 GAD Code ng Kabacan, nakatakdang Rerepasuhin at Amiendahan ng Sangguniang Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Sa pagpupulong ng Local Council of Women ng Kabacan noong February 5, 2015 sa opisina ni Mayor Herlo P. Guzman Jr. naiminungkahi ng kanilang miyembro ng nasabing konseho ang pagrereview sa 2008 Gender and Development Code ng Kabacan bilang parte ng Women’s Month Celebration ngayong darating na Marso 2015.

Ang 2008 Gender and development Code ng Kabacan naisabatas taong 2008 biang Municipal Ordinance no. 2008-011 na inakda ni Municipal Councilor Jonathan M. Tabara bilang isang legislative mechanism upang mas mapagtibay at mapalakas ang mga programa at serbisyong magpoprotekta sa mga karapatan ng mga kababaihan at magpapalawig pa sa mga oportunidad nito.

Ayon pa kay Hon. Ayesha Quiban, ang Committee Chairperson ng Wowen and Family at miyembro din ng Local Council of Women, ang inisyatibong ito ay mahalaga upang gawing mas komprehensibo at mas gawing malawak ang mga probisyon ng GAD Code ng Kabacan at maisali ang usaping Disaster Management, environmental concerns na mayroong direktang epekto sa mga kababaihan.

Dagdag pa niya,mahalaga rin umanong maunawaan ng publiko na kinakailangan ang pag review ng 2008 GAD Code upang gawing mas epektibo pa ang tumataas na bilang ng mga Gender- based violence cases dito sa bayan.


Kabilang sa mga mahahalagang mga activities na napag- usapan ng LCW ay ang pagsasagawa ng whole year Gender Sensitive Training sa iba’t- ibang barangays kasama na rin ang mga Roll- out activities upang mas lalo pang maintindihan pa ng publiko ang Magna Carta of Women at ang pag- establish ng Gender Focal Point System sa LGU Kabacan. Sarah Jane C. Gurrero, LGU Kabacan

0 comments:

Mag-post ng isang Komento