(Pikit, North Cotabato/
February 10, 2015) --- Kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang simultaneous
Peace rally sa Bayan ng Pikit.
Layunin ng naturang
peace rally na ipanawagan sa mga kinauukulan at mga lider sa Manila partikular na
sa kongreso at senado na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng
Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng gobyerno ng Pilipinas upang matamo
ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Sa panayam ng DXVL
news kay Jess Ali SK Chairman ng Mindanao Alliance for Peace sa lalawigan ng
Cotabato inanyayahan nitong makilahok sa naturang peace rally ang mga
mamamayan, mga civic society at mga NGO.
Inihayag din ni Ali
na ang delayed Bangsamoro Basic Law o BBL ay delayed justice din umano para sa
mga tao sa Mindanao.
Aniya ang naturang
peace rally ay pangungunahan ng Mindanao Alliance for Peace, United Youth for
Peace and Development, Mindanao Civic Society Organization Platform for Peace
at ibang pang civic society. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento