Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan, nangunguna sa buong North Cotabato sa katatapos na LGPMS 2012

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Buong karangalang ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan matapos na nakuha nito ang number 1 o nangungunanang bayan sa buong North Cotabato sa katatapos na Local Governance Performance Management System 2012, kungsaan nilampasan nito ang 16 na mga munisipyo kasama na ang isang lungsod na mga katunggali.

Nakakuha ng over-all performance rating na 4.81 ang Kabacan,
Ibigsabihin, mataas na marka ang nakuha ng Munisipyo para sa limang performance areas, Administrative Governance, Social Governance, Economic Governance, Environmental at Valuing the Fundamentals of Good Governance. Dagdag pa rito, nangunguna ang Kabacan sa labing anim na munisipyo ng Probinsiya ng Cotabato sa aspeto ng Local Governace Performance para sa taong 2012.


Ang Local Governance Performance Management System ay isang Self-Assessment  na kung saan makikita at malalaman ng isang LGU kung saan sila mahina at malakas sa limang nabanggit na performance areas.

Ito ay ginagawa taon-taon ng Department of Interior and Local Government upang malaman ang estado ng performance ng mga LGUs sa buong Pilipinas. 

Ayon pa kay DILG Provincial Director Ali, ang LGPMS ay isang mahalagang gabay para sa mga LGUs upang mapalakas ang mga serbisyong ibinibigay sa taong bayan.

Iminungkahi din ng director na bigyang pansin ng LGU Kabacan ang mga areas gaya ng Revenue Generation at Revenue Allocation and Utilization na may mababang marka.

Sa isinagawang Utilization conference noong September 5-6, 2013 sa Igacos, Davao City, ang resulta ng Local Governance Performance ng LGU Kabacan ang naging sentro ng diskusyon. 

Kabilang sa mga partisipante ay ang mga representante ng Provincial Office ng DILG-Province of Cotabato, 24 Barangay Captains, miyembro ng Sangguniang Bayan, heads of offices ng LGU Kabacan, ibat-ibang representante ng civil society groups, mga NGOs kungsaan pinangunahan ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang nasabing aktibidad. (Rhoderick Beñez with reports from Sarah Jane Guerrero)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento