(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013)
---Umaapela ngayon ang mga empleyado ng National Agribusiness Corporation
(Nabcor) na di isali ang kanilang
tanggapan sa planung buwagin ang ahensiya makaraang masangkot ang kanilang
opisina sa pork barrel fund scam.
Batay sa imbestigasyon ng Commission on
Audit’s (COA) mula 2007 hanggang 2009 nabatid na P1.227 billion na pork barrel
funds ang napunta sa bogus na non-governmental organizations at isa na dito ang
Nabcor.
Pero ayon kay Kabacan Nabcor Manager
Rosauro Paniza ang nakanilang field office ay itinatag noon lamang Agosto 31,
2006, isang taon bago nagbuhos ang mga mambabatas ng kanilang Priority
Development Assistant Fund (PDAF) sa pamamagitan ng nasabing ahensiya.
Kung ang kanilang korporasyon ay nasangkot sa multi-billion-peso scam
marahil ang kanilang main office lamang na sa Metro Manila at hindi na kasali
dito ang kanilang Nabcor’s field office dito sa Kabacan, ayon kay Paniza.
Sinabi pa nito na anumang transaksiyon na ginagawa sa kanilang main
office ay walang kinalaman ang field office nila, ito dahil sa nag-ooperate
sila ng independently sa lalawigan ng North Cotabato at may 16 na empleyado
kungsaan kinukuha ang sahod sa tubo ng kanilang operasyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento