Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 partisipante, ninakawan

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Pitong mga partisipante ng isang training seminar sa ATI na nasa USMARC, USM compound ang ninakawan ng gamit habang kasagsagan ng ginagawang lecture.

Ayon sa report, inilagay ng mga partisipante ang kanilang gamit na bag sa loob ng kanilang headquarters, pero ang di nila alam ay hindi pala napadlock ng room attendant ang kanilang silid.

Mga mahahalagang gamit at mga damit ng mga kalahok sa nasabing seminar ang tinangay ng di pa nakilalang salarin.

Reklamo ng mga biktima ang kawalan ng aksiyon ng management ng ATI sa nangyaring nakawan.

Duda ang mga biktima sa nasabing insedente, dahilan kung bakit nila inireport sa region ang nasabing pangyayari.

Naganap ang insedente nitong Miyerkules ng umaga habang kasagsagan ng lecture nila sa kanilang training seminar. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento