Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8 barangay sa Kidapawan city, isinailalim sa ‘areas of concern’ hinggil sa extortion activities ng mga NPA

(Kidapawan City/ September 14, 2013) ---Inilagay ngayon sa ‘areas of concern’ ang walo mula sa apa’t na pung mga barangay sa Kidapawan City hinggil sa diumanoy extortion ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA.

Ang mga natukoy na barangay ay ang San Roque, San Isidro, Sto. Nino, Linangkob, Katipunan, Malinan, Marbel at Sikitan ito batay sa data na inilabas ng mga sundalo mula sa Task Force Cotabato.


Sinabi ni operations officer ng 57th Infantry Battalion Lt. Bon Hugo na simula na umanong nanghuhuthot ang mga NPA sa mga barangay opisyal na kakandidato sa nalalapita na barangay eleksiyon.

Ibinunyag pa ng opisyal na sapilitan umanong pinapabayad ng P500 ang mga punong barangay buwan-buwan habang P200 naman para sa mga Barangay kagawad, ayon kay Hugo sa isinagawang Kidapawan City Peace and Order council Meeting noong Biyernes. (Rhoderick Beñez)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento