(Maguindanao/ September 13, 2013) ---Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang isang negosyanteng recruiter matapos na nasa kamay na ito ngayon ng mga otoridad.
Kinilala ang biktima na si Milagros Abu Hussein, 52-anyos na residente ng Cainta, Rizal at may ari ng isang recruitment agency sa Cubao, Quezon City.
Nabatid na si Hussein ay dinukot noong Miyerkules ng mga di pa nakikilalang armado pasado alas kwatro ng hapon noong Miyerkules sa Sitio Gubat, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Sa report ng pulisya, sakay ng kulay itim na townace, buhat sa Tacurong City si Abu Hussein dala-dala ang kanyang mga narecruit na kababaihan at papunta sana ng Cotabato City nang harangin ng mga armadong kalalakihan at dinala sa Barangay Dados, isang liblib na barangay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Natanggap ng Datu Odin Sinsuat PNP ang ulat at agad nagsagawa ng hot persuit operation.
Nagkaroon pa ng palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at ng mga pulis pero nailigtas pa rin si Abu Hussein at ang kanyang mga kasamahan.
Dahil ditto, aminado si Datu Odin Sinsuat PNP Chief of Police Insp. Datutulon Penguiaman na malaki ang naging partisipasyon ng publiko sa pagkakarekober sa dinukot na negosyante.
Ayon kay Penguiaman, ang mabilis na pagresponde ng pulisya ay dahil sa tulong ng DOS-Ria.
Ang DOS-Ria ay isang grupo ng mamamayan ng Datu Odin Sinsuat na boluntaryong nakikipag-ugnayan sa pulisya kung may krimen sa kanilang bayan.
Dagdag pa ni Penguiaman, matagal nang binuo ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat ang DOS-Ria at malaki ang naitutulong nito upang mapanatili ang peace and order sa kanilang bayan. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Recruiter na taga-Manila, nasa kamay na ng pulisya matapos na marekober sa pagkakadukot
Huwebes, Setyembre 12, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento