(Amas,
Kidapawan city/ September 14, 2013) ---Kabilang si North Cotabato Gov. Emmylou
“Lala” J. Taliṅo-Mendoza sa mga local chief executives mula sa iba’t-ibang
lalawigan sa rehiyon 12 sa mga lumagda sa Regional Disaster Risk Reduction and
Management Council 12 summit commitment signing na ginanap sa Phela Grande
Convention Center kamakalawa.
Ang naturang
summit ay ginawa upang makabigay ng updates ang mga local chief executives
tulad ng mga governors, mayors at iba pa patungkol sa mga ipinatutupad na
disaster risk reduction programs at disaster preparedness sa kanilang mga
lugar.
Maliban kay
Gov. Mendoza, dumalo rin sa summit sina NotCot PDRRMC Officer Cynthia Ortega na
nagbigay ng 15-minute presentation ng mga disaster plans ng bawat munisipyo sa
North Cotabato.
Kabilang rin
si Cotabato 1st district Board District Noel Baynosa, Jr. sa mga
delegado mula sa North Cotabato at nag-ulat naman tungkol sa mga best practices
o mga natatanging gawain ng NotCot PDRMMC.
Kabilang
dito ang abot sa P16M na pondo na inilaan ng NotCot provincial government para
ibili ng mga gamit para sa mga search and rescue operations sa panahon ng
kalamidad.
Highlight ng
summit ang pirmahan ng commitment and support ng mga delegado at partisipante
na nagmula pa sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat,
North Cotabato at maging mula sa mga lungsod ng Davao at Cotabato City. (Jimmy
Santacruz)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento