(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Bumaba na ang oras ng brownout sa bayan ng Kabacan at maging sa Kidapawan City at iba pang bahagi ng lalawigan ng Cotabato.
Ito makaraang nagging operational na muli ang Unit 2 ng STEAG Mindanao Coal Fired power plant sa Misamis Oriental kaya’t bumuti ang supply ng kuryente at nabawasan ang brownout sa Kabacan at iba pang service area na sakop ng Cotelco sa North Cotabato.
Ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez dinagdagan ng National Grid Corporation ang supply ng kuryente na inilaan sa Cotelco matapos naging operational ang 102 megawatt Unit 2 ng Coal fired power plant sa Misamis Oriental noon pang nakaraang linggo.
Kahapon, halos 30 minuto lang ang naranasang power interruption sa Kabacan bago mag-tanghali habang isang oras naman sa hapon kumpara sa halos anim na oras noong nakaraang linggo.
Noong July, unang isinailalim sa preventive maintenance ang Unit 1 ng STEAG at sinundan ito ng emergency repair ng Unit2 ng power plant.
Sa ngayon, operational na ang dalawang planta kaya bahagya ng bumuti ang power supply sa Mindanao grid.
Inaasahang tuluyan nang mahinto ang power rationing sa Mindanao ngayong maayos na ang Coal fired plant.
Pero isa sa Agus hydro power plant ay inaayos kaya’t hindi pa 100 percent na balik ang supply ng kuryente sa Mindanao. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Rotational Brownout sa Service area ng Cotelco, bumaba na; planta ng coal sa Misamis Oriental, nakabalik na sa Grid
Huwebes, Setyembre 12, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento