(Arakan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mag-aaral at mga kawani ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST kasama na ang mga orphans mula sa Orpahnage sa Arakan, North Cotabato alas 8:00 ng umaga kahapon.
Ayon sa report ang nasabing rally ay upang patalsikin umano ang naka-upong Presidente na si Dr. Samson Molao.
Isinagawa sa harap ng munisipyo ang nasabing kilos protesta makaraang sinundan ng mga raliyesta ang sasakyan ni Dr. Molao na pumunta sa munisipyo ng Arakan at nakipag-pulong sa alkalde ng bayan na si Mayor Rene Rubino Sr.
Ang nasabing kilos protesta ay dahil umano sa mismanagement ng presidente sa school orphanage.
Sa panayam ng DXVL News kay Dr. Molao ngayong umaga, hindi umano umabot ng daan angmga nag-rally.
Samantala, bukod sa nasabing isyu, nais din umano ng mga raliyesta na taasan ang pondo para sa kanilang pagkain, ito makaraang maliban sa di maayos ang mill ng bigas minsan pa’y mabaho ang kanilang kinakain.
Sa ngayon ang CFCST ay may P7M na budget para sa mga orphanage.
Sinabi naman ni Mayor Rubino sa isinagawang diyalogo sa pagitan ni Dr. Molao at ng mga raliyesta na umabot ng limang oras kahapon na bibigyang pansin ng Presidente ang hiling ng mga raliyesta kasamana ditto ang medical na assistance, free school uniform at ang subsidiya para sa mga ito. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Mga estudyante at kawani ng CFCST sa Arakan, NCot; nagsagawa ng kilos protesta
Miyerkules, Setyembre 11, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento