(ARMM/ September 11, 2013) ---Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga otoridad ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang kasama sa mga measures upang mapigilan ang anumang pag-atake ng ilang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) katulad nang nangyaring Zamboanga siege.
Inihayag ni Abdulrashid Ladayo, chief security officer ng Office of the Regional Governor, ang presensiya ng Philippine Marines contingent, Army at kapulisan sa ARMM ay kabilang sa preventive measures na ipinapatupad ng gobyerno habang hindi pa nareresolba ang standoff sa Zamboanga City.
Para naman sa ilang miyembro ng MNLF na kasama sa ibang paksyon na hindi sila makikisimpatya sa kanilang mga kasamahan sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
DXVL Staff
...
Mga otoridad sa ARMM, todo alerto sa posibleng ‘sympathy attack’ ng MNLF
Miyerkules, Setyembre 11, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento