(Makilala, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Dismayado
ang isang Malaysian investor sa presyo ng goma sa probinsiya ng North Cotabato.
Sa pagbisita ni Joe Ang, ang chief executive officer
ng Institute of Development Studies in Sabah, Malaysia sa lalawigan at
pakikipag-usap nito sa ilang mga magsasaka ng goma sa bayan ng Makilala, ang tinaguriang
‘rubber capital’ ng North Cotabato at pinag-usapan ang sinasabing sitwasyon ng
rubber industry sa Mindanao.
Ayon kay Makilala Municipal government James Zamora
na nagpahayag ng pagkabahala si Ang matapos ang makipagpulong nito sa mga
magsasaka at marinig ang mga sintemento ng mga ito.
Binigyang diin ni Ang na dapat bigyang pansin ang
rubber industry sa pamamagitan ng pagtugon sa mga kasalukuyang problema na
kinakaharap ng magsasaka ng goma.
Bukod sa nabanggit, nabahala din ang opisyal hinggil
sa kakulangan ng supply ng kuryente sa North Cotabato.
Si Ang kasama ang iba pang mga consultants ay
bumisita sa bayan ng Makilala para sa gagawing partnership sa Pamahalaang Lokal
sa larangan ng pagpapalago ng kalidad na goma at ang posibleng pagluluwas nito
sa ibayong dagat. (Rhoderick
Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento