Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Problema sa Kuryente, tinalakay sa SP ng Kidapawan City

(Kidapawan City/ September 9, 2013) ---Umaabot na ngayon sa 250MW ang kakulangan ng suplay sa kuryente sa buong Mindanao.

Ito makaraang sumailalim sa preventive maintenance ang dalawang hydro-electric power plants sa Agus, Lanao del Sur at iba pang mga planta sa rehiyon.

Kaugnay nito, apektado sa krisis ang higit 100,000 konsumidores ng kuryente sa North Cotabato na sinusuplayan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.

Sinabi ni Cotelco general manager Godofredo Homez na sa 26MW na peak demand ng lalawigan, nasusuplayan lamang sila ng National Power Corporation o Napocor ng abot sa 9.26MW o higit 64 porsiento na mas mababa sa kabuuang pangangailangan sa kuryente ng lalawigan sa kada araw.

Dahil ditto, plano ng Cotelco na bumili ng generation set na may kapasidad na 6MW para punan ang malaking kakulangan sa suplay ng kuryente.

Noon pang Agosto, nakakaranas ang Kidapawan City at ang buong lalawigan ng North Cotabato ng brownout na tumatagal nang mula anim hanggang walong oras kada oras.

Umaangal na raw ang mga negosyante, ayon kay Kidapawan City councilor Francis Palmones.

Isang malaking hadlang din umano ang problema sa kuryente para pumasok ang mga bagong negosyo sa lungsod.

Sa session ng Sangguniang Panglungsod, iginiit ni Palmones, dating trial court judge, na mabigyan ang Kidapawan City ng 25 porsiento’ng load dispatch mula sa geothermal power plant ng Energy Development Corporation o EDC na nasa Mount Apo.

Ginamit na batayan ni Palmones ang isang probisyon sa Department of Energy Act para igiit na bigyan ng 25 percent load dispatch ang lungsod bilang host ng geothermal power plant.

Suportado ni Kidapawan City councilor Ruby Padilla-Sison, miyembro ng SP Committee on Energy, ang resolusyon ni Palmones.

Katunayan, nagpasa din ito ng kahalintulad na resolusyon na humihiling kay Pangulong Aquino na aksyunan nito ang kahilingan ng taga-Kidapawan City. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento