Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo sugatan sa pagsabog ng 2 IED sa boundary ng N. Cotabato at Maguindanao

(Tulunan, North cotabato/ September 8, 2013) ---Isang sundalo ang sugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa national highway na nasa boundary ng Barangay Magibis, Datu Paglas Maguindanao at Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Barangay Captain Arsmtrong Magibis ng Barangay Magibis, Datu Paglas, Maguindanao, unang sumabog ang IED bago mag-alas-6:00 kaninang umaga kung saan natamaan ng shrapnel ang tuhod ng biktima na kinilalang si Corporal Edwin Dumuser.


Sa salaysay ni Magibis, isang barangay kagawad ang nag-abiso sa kanya na may pinaghihinalaang IED sa nasabing daan kaya't agad nila itong ini-report sa mga otoridad.

Mabilis namang rumesponde ang joint forces ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army, Datu Paglas-Philippine National Police (PNP), North Cotabato-PNP at Explosive Ordnance Disposal team ng Tacurong City-PNP.

Sa isinagawang search operation ng pulisya, natagpuan ang isa pang IED malapit lamang sa lugar na unang pinasabugan at agad na-detonate alas-7:45 ngayong umaga.

Matapos sumabog ang unang IED, agad kinordon ang national highway at temporaryong hindi pinadaanan ang mga sasakyan na nagresulta sa halos dalawang oras na pagka-stranded ng mga pasahero mula lungsod ng Davao at Tacurong.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa panibagong pagsabog ng IED.

Inaalam din kung sino ang mga responsable at motibo sa paglalagay ng IED sa tabi ng daan at kung anong uri ng IED ang sumabog. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento