Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sugatan sa Pagsabog sa Pikit, NCot; umakyat na sa 4; Extortion sinusundanag anggulo naman sa pagpapasabog sa buy and sell sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Extortion ang sinusundang motibo ni PCInsp. Jordine Maribojo sa panibagong pagpapasabog ng granada sa may Guanzon’s Buy and sell na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, cotabato alas 11:30 kahapon ng umaga.

Bagama’t walang nasawi o nasaktan sa nasabing pagpapasabog nagdulot naman ito ng takot at pangamba sa mag residente sa lugar.

Sa kabila ng higpit sa seguridad na ipinapatupad ng Kabacan PNP nalusutan ang mga ito ng tatlong mga kalalakihan na responsable sa paghahagis ng nasabing granada.

Matapos maisakatuparan ng tatlo ang kanilang masamang balakin, tumakas ang mga ito sakay sa isang motorsiklo papunta ng Lapu-lapu st.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang trackdown operation ng PNP para mahuli at mapanagot ang responsable sa nasabing krimen.

Samantala, Apat na mga sibilyan ang malubhang nasugatan sa pagsabog sa Poblacion, Pikit North Cotabato dakong alas 8:15 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PCInsp. Elias Dandan, hep eng Pikit PNP ang mga biktima na sina Marcos Esmail,40,Nhor Jana Esmail 18,Amera Usman 20,at Aslamiah Esmail 31,pawang mga residente ng Sitio Lamak,Brgy Poblacion,Pikit,North Cotabato.

Ayon kay 7th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Lt/Col Donald Gumiran na pinaputukan ng bala ng M79 grenade launchers ng mga di kilalang suspek ang tahanan ng isang Salapundin Esmail.

Tumama ang eksplosibo sa atip ng bahay ng pamilyang Esmail dahilan para masugatan ang mga biktima.

Agad namang naisugod ang mga sugatan sa Cruzado Hospital sa bayan ng Pikit at inilipat sa North Cotabato Provincial Hospital sa Brgy Amas Kidapawan City dahil sa lubha ng sugat ng mga biktima. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento