(Amas, Kidapawan City/ September 11, 2013)
---Pinaiimbestigahan na ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang
report na diumanoy shabu na inilagay sa isang package at ipinadala sa isang
preso na nakabilanggo sa Amas Provincial Jail, Amas, Kidapawan City, kahapon.
Ayon sa report ni Senior Jail Officer 3
Edwin Paalisbo ng Provincial Rehabilitation Center na na-intercept nila ang
isang package ng shabu camouflaged na nakalagay sa chocolate candy bars at para
sa inmate na si Jason
James Arnaiz, na may kinakaharap ng kasong carjacking.
Duda ang gwardiya sa nilalaman ng suspicious
package dahilan kung bakit nito binuksan para sa masusing pagsisiyasat.
Ang nasabing package ay ipinadala ng isang Janet
Arnaiz mula sa Iligan City na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng
tinatayang P8,000.00.
Ang pagkaka-intercept ng package na may lamang
shabu ay hindi ito una na nangyari sa Amas Jail.
Nitong nakaraang buwan, isang ginang din ang inaresto makaraang mahulihan din ng shabu ng ito ay bumisita sa kanyang kamag-anak. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento