(Midsayap,
North Cotabato/ September 13, 2013) ---Muling itatanghal ang Cotabato Annual
Dance Festival ngayong darating na a- 16 ng Nobyembre bilang pakikiisa sa
ika-77 anibersaryo ng bayan ng Midsayap.
Inihahanda
na ng organizing committee ang mga imbitasyon at kaukulang panuntunan para sa
mga grupong nais sumali sa paligsahan.
Inihayag
ni 8th Cotabato Annual Dance Festival Executive Director Maricar
Bautista- Karatuan na inaasahan nila ang pagsali ng mas maraming dance groups
mula sa iba’t- ibang bayan ng North Cotabato.
Aniya,
bukas din umano ngayon ang dance festival sa mga grupo ng mananayaw mula sa mga
karatig- lalawigan ng South Cotabato at Maguindanao.
Nabatid
na nakatakdang gawin ang live auditions ngayong a-14 ng Oktubre sa Midsayap.
Positibo
ang dance festival committee na darating sa live auditions ang mga
pinakamagagaling sa larangan ng cheerdance, popdance, dancesports at rural folk
dance.
Nakasentro
ang paligsahan ngayon taon sa temang “One Night, One Big Fight.”
Samantala,
binigyang-diin ni Karatuan na maliban sa layuning ipamalas ang talento ng mga
kabataan ay layunin din ng dance festival na makibahagi sa adhikaing isulong
ang turismo ng bayan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento