Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampanya kontra illegal drugs at Loose Firearms, pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Arestado ang isang tulak droga makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa kanilang pinaigting na kampanya kontra illegal drugs at loose firearms sa bayan ng Kabacan alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Amiludin Pino Dalumangkob, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Laypag, Pagalungan, Maguindanao.

Nahuli si Dalumangkob sa bahagi ng Datu Mantawil St., malapit sa Purok Krislam sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP, Task Force Krislam, PPSC, RPSB 12, 7IB at 38IB ng Philippine Army.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga otoridad, narekober pa mula sa suspek ang isang granada.

Ang nasabing pampasabog ay nasa pag-iingat na ngayon ng EOD team habang ikinustodi muna ang suspek na ngayon ay nasa pangangalaga ng ng intelligence operatives.

Nabatid na kabilang si Dalumangkob sa listahan ng mga otoridad na sangkot sa mga illegal na aktibidad sa bayan kagaya ng pagtutulak ng droga, carnapping at responsable din sa mga nakawan ng motorsiklo.

Isinailalim din sa masusuing interogasyon ang suspek kung ito ay may kinalaman sa mga sunod-sunod na pagpapasabog sa bayan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento