Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Problema sa drainage sa isang brgy ng Kabacan, inirereklamo!

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Inireklamo ng ilang mga residente ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ang diumano’y lumalalang drainage system sa nasabing lugar.

Ayon kay Javar Abdullah Aban, residente ng nabanggit na lugar ay nababahala na umano sila sapagkat dumaranas ng maputik na kapaligiran at lubak-lubak na daan bunsod ng pagku-quarry sa Pulangi river at canal na barado.

Sinabi pa ni Aban na ipinarating na rin nila sa isang municipal councilor ng Kabacan ang nasabing reklamo, pero wala pa rin umanong aksiyon ang nasabing opisyal.

Nangangamba na rin ang mga residente sa lugar na baka magkasakit ang mga ito bukod pa sa napipintong bumaha sa kanilang lugar.

Ipinarating naman ng DXVL News ang nasabing reklamo kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., at ang tugon nito dapat na sumulat sila sa kanilang brgy council.

Patutukan din ng alkalde ang mga brgy opisyal na walang ginagawang aksiyon para maresolba ang nasabing problema.

Sa ngayon nakahanda namang tutugunan ng LGU Kabacan ang nasabing reklamo.

Bukod sa nasabing sumbong, inirereklamo din ngayon ng mga residente ng Villanueva Subd., ang sira-sira at lubak-lubak na kalye mula sa 1st, 2nd at 3rd block ng Villanueva.

Mahirap din sa mga motorista na pasukin ang Villanueva lalo na kapag puno ng pasahero ang minamanehong tricycle dahil na sobrang butas-butas na daan lalo na kapag panahon ng tag-ulan na pahirapan para sa kanila na pasukin ang nasabing kalye. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento