(Cotabato city/ August 16, 2013) ---Ipinasiguro ng mga chief executives ng Mindanao sa mga matataas na opisyal ng Malakanyang ang pagpatupad ng mahigpit na seguridad sa kani-kanilang lugar matapos ang serye ng pamomomba sa ilang lugar sa rehiyon.
Kabilang sa nakipagpulong si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. kungsaan hiniling nito na padagdagan ang pwersa ng kapulisan sa Kabacan kasabay na rin ng pagdiriwang ngayong linggo ng kapiestahan sa bayan.
Sinabi ni Guzman na may higit 100 mga pulis na ngayon ang ipinakalat sa mga matataong lugar sa Kabacan partikular na sa mga pagdausan ng aktibidad sa fiesta.
Maliban dito, nakipagpulong din sina Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu, Maguindanao Governor Esmael "Toto" Mangudadatu, Cotabato Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza, Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Governor Mujiv Hataman kay Executive Secretary Paquito Ochoa.
Ang nasabing pulong ay isinagawa sa headquarters ng 6th Infantry Division, Philippine Army na pinamunuan ni Ochoa na siyang chairman ng Anti-Terror Council, Defense Secretary Voltaire Gazmin at Local Government Secretary Mar Roxas.
Dumalo din dito si Western Mindanao Command chief Lieutenant General Rey Ardo at Philippine Center for Transnational Crimes (PCTC) chairman Felizardo Serapio at AFP chief of staff General Emmanuel Bautista.
Tinalakay diumano ng mga opisyal ang tungkol sa security measures at kooperasyon ng mga lokal na opisyal sa mga otoridad upang mapangalagaan ang seguridad ng mga sibilyan laban sa masasamang grupo.
Matatandaan na niyanig ng pagsabog ang Cagayan de Oro City noong Hulyo 26 na ikinamatay ng walo katao habang walo din ang namatay sa car bombing sa Cotabato City noong Agosto 5 taong kasalukuyan.
Ipinahayag ng mga lokal na opisyal na patuloy ang kanilang pakipag-ugnayan sa mga otoridad upang maiwasan ang mga kaso ng pamomomba at iba pang karahasan na inilunsad ng mga lawless elements. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Mayor Guzman, nakipagpulong sa mga opisyal ng Malakanyang hinggil sa mga nangyayaring kaguluhan sa bayan
Huwebes, Agosto 15, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento