(President Roxas, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Umaabot sa 40-katao ang isinugod sa pagamutan makaraang makalanghap ng nakalalasong kemikal mula sa sumingaw na gas sa magkahiwalay na insidente ng geothermal project at water reservoir sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga naratay ay sampung kawani ng Mindanao Geothermal Project ng Energy Development Corporation.
Nabatid na sumabog ang hydrogen sulfide sa nasabing proyekto kaya sumingaw ang malaing volume ng gas noong Linggo ng umaga.
Hindi naman kaagad nakalabas ang sampung mangagawa kaya nahilo ang mga ito at dumanas ng matinding pagsusuka kaya mabilis na isinugod Kidapawan City Medical Specialist Hospital.
Samantala, aabot naman sa 30-katao ang isinugod sa pagamutan noong Linggo hanggang kamakalawa ng umaga makaraang makalanghap ng chlorine gas leak mula sa water reservoir sa Barangay Poblacion, bayan ng President Roxas.
Gayon pa man, pinauwi na ang ibang biktima ng gas leak habang ang iba ay nanatili sa nasabing ospital.
DXVL Staff
...
40 katao nalason sa gas leak sa President Roxas, North Cotabato
Miyerkules, Agosto 14, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento