Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

6 na truck, sinunog ng mga rebeldeng grupo NPA sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Anim na mga malalaking truck 3 dito pagmamay-ari ng SUMIFRO ang sinunog ng mga rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Sr. Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam municipal police abot sa 15 mga NPA ang pumasok sa hub facility ng Sumifru Corporation na makikita sa Barngay Bangbang, dinisarmahan nila ang mga security guards at pwersahang kinuha angmga handheld radio.

Gallon-galong mga gaas ang ginamit ngmga rebelde sa pagsunog sa mga sasakyan at ilang mga heavy equipment ng Sumifro Philippines.

Mula sa anim na sasakyan, 3 dito mga prime movers na pagmamay-ari ng GY Trucking Company at ang natitira ay mga shutter trucks na pinag-mamay-arian ng Sumifru.

Ang Sumifru Corporation, ay isang malaking kumpanya sa probinsiya na nangangasiwa sa pag-eexport ng mga kalidad na Cavendish Banana at ilan pangmga prutas sa Mindanao at iniluluwas sa ibang bansa.

Nabatid na sa North Cotabato ang Sumifro ay may higit 3,000 mga manggagawa sa mga bayan ng Magpet, Antipas, Arakan at Matalam.

Extortion ang sinusundang motibo ng mga otoridad sa nasabing panununog. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento