(Matalam, North
Cotabato/ August 15, 2013) ---Inatake ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF) ang kampo ng Moro National Liberation Front o MNLF sa Barangay
Kidama, Matalam, North Cotabato kahapon.
Ayon sa tagapagsalita ng
602nd Infantry Brigade Captain Antonio Bulao, hepe ng civil
military operations sinunog ng mga BIFF na may kaugnayan sa grupo ng Moro
Islamic Liberation Front (MILF) ang bahay ng ilang kasapi ng MNLF na nagmitsa
sa muling sagupaan sa lugar.
Pinamumunuan ni Kumander
Alimansur Imbong ng MILF 108th command ang nasabing labanan na
nagresulta sa pagkakalikas ng 70 pamilyang matapos na maipit sa nasabing
kaguluhan.
Ang barangay na inatake
ng grupo ay teritoryo ng MNLF, ayon sa report.
Sinunog pa ng mga
rebeldeng grupo ang bahay ng isang kasapi ng MNLF at binaril ang alagang
Kalabaw nito.
Matapos maisakatuparan
ng mga rebeldeng grupo ang kanilang masamang balakin ay umatras ang mga ito sa
barangay Marbel sa nasabing bayan.
Ang ginawang pagsalakay
ng MILF at BIFF sa nasabing lugar ang nagpainit ngayon ng tensiyon sa pagitan
nila kumander Datu Dima Ambil ng MNLF Sebangan Kutawato Revolutionary
Committee (MNLF-SKSRC).
Rido at clan feuds ang
isa sa mga pinag-ugatan ng kaguluhan sa bayan ng Matalam na nagsimula pa noong
Mayo-6. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento