Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Farm-to-Market Roads sa Distrito Uno ng North Cotabato, isasailalim sa survey

(Midsayap, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Nais ni Rep. Jesus N. Sacdalan na magsagawa ng survey ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa unang siyam na farm-to-market roads o FMR sa unang distrito ng North Cotabato.

Partikular nang isinumite ng kongreista ang kahilingan nito sa DPWH Cotabato Second Engineering District Office upang maisagawa na ng ahensya ang pagsisiyasat sa mismong mga kalsada.

Nabatid na isasagawa ang survey sa dalawang mga bayan ng distrito uno.

Sa Midsayap, kinabibilangan ito ng Villarica- Ilbocean- Anonang- Barongis FMR, Agriculture- Bobonao FMR, Central Glad- Lower Glad- Rangaban FMR, Nes FMR at Villarica- San Isidro FMR.

Samantala, sa bayan ng Libungan ay kasali ang Gumaga FMR, Sinawingan FMR, at Batiocan FMR.

Layunin ng survey na malaman ang kakailanganing pondo para sa konstruksyon ng mga FMR sa nabanggit na mga lugar.

Ayon sa pamunuan ng unang distrito ng North Cotabato, kailangang matutukan ang mga FMR upang maibsan ang hirap ng mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang produkto patungo sa pamilihang bayan. (Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento