Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panukalang gawing One-way ang USM Avenue, pinaplantsa na ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Para maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko lalo na kapag rush hour, inirekomenda ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na gawing One way ang USM Avenue.

Batay sa executive order No. 2013-08 na inilabas ng Alkalde, gagawing one way papasok ang USM Avenue buhat sa National Highway papunta ng University of Southern Mindanao.

Gagawin namang labasan ng lahat ng mga sasakyan mula sa Pamantasan ang Sunset St. diretso palabas gamit ang ibang ruta.

Samantala ang mga sasakyang tumatahak naman ng USM Avenue at Mercado St. ay maaring lamang lumabas pakaliwa gamit ang kalye ng Matalam at Guiang, batay sa nasabing panukala.

Ito para maiwasan ang pagkabuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Poblacion.

Ginawa ng Punong ehekutibo ang nasabing hakbang makaraang makita nito na ang two-way street sa USM Avenue ay nagiging saligutgot sa mga motorista lalo na kapag busy time.

Ito bukod sa ginagawa pa kasing paradahan ng ilang mga private vehicles ang gilid ng USM Avenue na nakaka-ambag sa pagsikip ng daloy ng trapiko sa daan.

Ayon kay Mayor Guzman, ang nasabing panukala ay epektibo kapag maipasa na sa Sanggunian ang nasabing ordinansa. (Rhoderick Beñez)

Report mula sa Kabacan LGU, nag-uulat para sa Radyo ng Bayan


0 comments:

Mag-post ng isang Komento