(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013)
---Abot sa mahigit sa 200 mga indibidwal na naghahanap ng trabaho ang sumali sa
Jobs fair at employment caravan na isinagawa ng LGU Kabacan sa
pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment sa Municipal gym
kahapon.
Sinabi ni Public Employment and Services
Office designate Jeorge Graza limang Overseas recruitment agency at isang local
agency ang dumating sa nasabing Job’s Fair kahapon.
Aniya, 15 mga employer ang kanilang
inimbitahan pero umatras umano ang ilan dahil sa mga balitang pambobomba sa
bayan.
Sa kabila nito naging matagumpay naman ang
nasabing aktibidad bilang bahagi ng 66th founding anniversary ng
bayan ng Kabacan.
Kabilang sa mga dumating ay ang: ADANA
MANPOWER services corp., BEST ONE international services and Consultancy,
Placewell international services Corp., Zontar Manpower services, SMC manpower
services at isang local RAC and ACO General Allied Services. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento