(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013) --- Handang magbigay ng P200,000.00 bilang pabuya ni Mayor Herlo Guzman Jr., para sa agarang ikaaresto ng mga suspek sa nangyaring serye ng pagsabog sa bayan nitong nakaraang mga araw.
Ayon sa alkalde, maliban sa pabuya, nakahanda rin umano silang magbigay ng proteksyon sa sinumang informant na makakatulong sa ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan.
Maalala na noong Lunes, binulabog ng pagsabog ang tanggapan ng Commission on Elections sa Kabacan habang kahapon naman ng umaga ay isang fragmentation grenade ang narekober Purok Krislam na tinaguraing “Drug Den” sa lugar.
Samantala ngayong umaga lamang nahuli ng tropa ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang isang pinaniniwalaang bomber, matapos na makuha mula sa suspek ang isang hand grenade.
Kinilala ang suspek na si Amiludin Pino Dalumangkob, nasa tamang edad at residente ng Pagalungan, Maguindanao.
Maliban sa Granada, narekober din sa suspek ang 1 plastic heat sealed sachet ng shabu.
Patuloy ngayon ang ginagawang interogasyon ng mga otoridad kung may kinalaman ang suspek sa mga serye ng pagpapasabog sa bayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento