Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Prof ng USM, finalist bilang agriculture Scientist ng Gawad Saka ng DA

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2013) ---Finalist bilang agriculture scientist category si Dr. Cayetano Pomares ng University of Southern Mindanao mula dito sa bayan ng Kabacan, North Cotabato sa 2013 National Gawad Saka Search ng Department of Agriculture.

Kaugnay nito nominado naman ang 6 buhat sa Region 12 sa nasabing search.


Kabilang sa mga nominado sina Merlito Ancheta para sa outstanding sugarcane farmer category, Dr. Melchor Serquiña para sa coconut farmer category at Leonardo Primne Jr. para sa fisherfolk category.

Dagdag pa dito, nominado din ang Malandag Barangay Food Terminal (BFT) sa Outstanding BFT (BLGU-Operated) category at Alamada- Multi-purpose Cooperative para sa small farmers organization category.

11 ang inindorso ng DA-12 para sa nasabing annual nationwide search, subalit 6 lamang ang kabilang sa finals.

Nakatakda naman ang deklarasyon at awarding ng mga national winners ng Gawad Saka Search sa buwan ng Oktubre. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento