Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rep. Sacdalan isinusulong ang port development project sa unang distrito ng North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Naisumite na ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan ang kahilingan nito sa Department of Transportation and Communications o DOTC na mapatayuan ng municipal ports ang tatlong bayan sa unang distrito.

Nakasaad sa plano na itatayo ang sampung municipal ports iba’t- ibang barangay sa mga bayan ng Pikit, Midsayap at Pigcawayan partikular sa bahagi ng Liguasan marsh at Rio Grande de Mindanao.



Abot sa 100 milyong piso ang kabuuang halaga na hiniling ng opisyal para sa konstruksyon ng nasabing pasilidad.

Bilang tugon ng DOTC, isasailalim muna ng ahensya sa ebalwasyon ang kahilingang ito ng kongresista.

Nais din ng ahensya na magsumite ang mga lokal na pamahalaan ng karagdagang dokumento base sa pamantayan ng implementasyon ng port development projects.

Sa kanyang sulat komunikasyon, sinabi ni DOTC Assistant Secretary for Planning and Project Development Jaime Raphael Feliciano na ang alokasyon sa nasabing mga pasilidad ay nakadepende sa pondong mailalaan ng Department of Budget and Management o DBM.

Aniya, nakabase rin umano ito sa resulta ng gagawing ebalwasyon ng mga dokumentong isusumite ng mga lokal na pamahalaan ng Pikit, Midsayap, at Pigcawayan.

Samantala, nakikipag- ugnayan na ang tanggapan ni Rep. Sacdalan sa mga natukoy na pamahalaang lokal upang maihanda ang mga dokumentong kinakailangan ng DOTC.

Binigyang- diin ng kongresista na mahalaga ang pagtatayo ng port facilities dahil malaking tulong ito sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran lalu na sa mga lugar na dati nang nasalanta ng kaguluhan. (Roderick Bautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento