Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tree Growing Activity ng LGU Kabacan, isasagawa bukas

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Isasagawa bukas ang Tree Growing Activity bilang hudyat ng pagsisimula ng 66th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO.

Sinabi ni MENRO Officer Jerry Laoagan na magsisimula ang aktibidad alas 8:00 ng umaga at gaagwin ito sa Dumpsite na nasa Barangay Malanduage.

Suportado ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni Mayor Herlo Guzman Jr., mga kawani, pulisya, sundalo, BFP, Senior Citizens at ng USM-USG.

Inaasahang abot sa 200 mga seedlings ang itatanim sa nasabing lugar bilang kapalit sa mga pinutol na kahoy sa bahagi ng Mercado St., Poblacion ng bayang ito sa ipinapatupad na road widening sa bayan.

Kabilang sa mga itatanim ay ang puno ng Narra, Mahogany, Molave at iba pa. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento