(Kabacan,
North Cotabato/ August 16, 2013) ---Abot sa 150 packs ng tilapia fingerlings
ang ipinamahagi sa mga magsasaka ng Kabacan sa DA Day ngayong araw bilang
bahagi ng programa ng 66th Founding Anniversary ng Kabacan.
Nanguna sa
nasabing dispersal si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr., Councilor Jonathan
Tabara, may hawak ng committee on agriculture at ilan pang mga opisyal kasama
ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office.
Kaugnay
nito, nabahaginan din ang 250 magsasaka ng Zinc Phospide, 220 magsasaka rin ang
nabigyan ng vegetables seeds.
Abot naman
sa 66 na mga aso ang nabakunahan ng anti-rabbies mula sa 29 na mga dog owners.
Samantala,
nagsimula na rin ngayong araw ng registration ng DA sa lahat ng mga magsasaka
sa Kabacan.
Layon ng
nasabing registration na maitala ang lahat ng mga magsasaka sa bayan upang
diritsang mabibigyan ng mga benepisyaryo ang mga ito buhat sa mga programa ng
Municipal Agriculture Office. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento