Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kongresista isinusulong ang batas na bubuo sa Philippine Palm Oil Research and Development Center


(Midsayap, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Isinusulong ngayon sa kamara de representante ang panukalang batas na bubuo sa Philippine Palm Oil Research and Development Center o PPRDC.

Inakda ito ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus N. Sacdalan.


Sinabi ng opisyal na mahalagang may ahensya ng pamahalaan na tututok sa pasusulong ng oil palm industry sa Pilipinas.

Aniya, tungkulin umano ng itatag na ahensya ang pagsasagawa ng mga pagsisiyasat at pagapaptupad ng mga programa at proyekto upang mas lalo pang mapaunlad ang oil palm- based farming sa bansa.

Nabatid na ito ang unang panukalang batas na isinumite ng kongresista sa pagsisimula ng 16th congress.

Kasalukuyan itong tinatalakay sa House Committee on Agriculture and Food kung saan itinuturing ito ng komite bilang isang mahalagang batas para sa pambansang kaunlaran.

Samantala, kung maaprubahan at magiging tuluyang batas ay itatayo ang nasabing palm oil research and development center sa University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Dito sa Pilipinas, ang palm oil ay itinuturing na alternatibong suplay ng langis pangalawa sa coconut oil.


Sa kasalukuyan ay malawakan na ang pagtatanim nito sa mga lalawigan ng Bohol, Palawan, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Sultan Kudarat, Maguindanao, at North Cotabato. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento