Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Barangay Day, isasagawa ngayong umaga!

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Itatampok ngayong umaga bilang isa sa mga aktibidad ng 66th Founding Anniversary ng Kabacan ang Barangay Day.

Pangungunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang nasabing aktibidad kungsaan lalahukan ito ng mga opisyal mula sa 24 na barangay ng bayan.

Inaasahang magbibigay din ng kanyang mensahe si ABC President Kapitan Gerson Laoagan sa nasabing programa na gagawin ngayong alas 8:00 ng umaga sa Municipal Gymnasium.

Bukod sa barangay day, itatampok din ngayong araw ang “Alay Gupit” na pangangasiwaan naman ni Pink Flamingo President Rodolfo Dapun, Jr. at Adora Magoncia.

Gagawin din ngayong araw ang Philhealth Moves, Pinoy games o Parlor games at mamayang gabi naman ang Search for Ms. Gay Persona 2013.

Samantala magandang balita naman para sa mga kababayan nating may iniindang karamdaman, dahil may libreng check-up ang rural Health Unit ng Kabacan na pangungunahan ni Dr. Sofronio Edu, Jr. at sa pakikipagtulungan ng FloLyf Enterprises Incorporated, gamit ang pinakabagong teknolohiya sa larangan ng medisina.

Gagawin ang libreng check-up sa Rural Health Unit na nasa Municipal compound alas 7:00 ng umaga hanggang mamayang hapon.

Sa pamamagitan ng “Sub Health Detector Human-body Elements Alarm System”, kaya nitong alamin ang kalagayan ng 36 na organs n gating katawan sa loob lamang ng 56 na Segundo.

Dito malalaman kung anung sakit ang iyong dinaramdam. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento