By: Williamore
Magbanua
(Malang, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Daan-daang
mga buntis mula sa ibat-ibang barangay sa bayang ito ang nakiisa sa isinagawang
“buntis day” na inorganisa nang Municipal Health Office (MHO) nitong araw ng
Huwebes.
Ayon kay Dr. Glecerio Sotea, MD ang health
officer ng Mlang na layon ng nasabing aktibidad na magabayan ang mga buntis sa
tamang pangangalaga ng kanilang mga sarili hanggang sa mailuwal nila ang
kanilang mga supling.
Ani Sotea, mahalaga na maayos ang
pangangatawan ng isang buntis habang pinaghahandaan nito ang panganganak.
Dagdag pa ng doctor, isinagawa ang nasabing
pagtitipon upang ituro sa mga buntis ang tamang pagkain at ehersisyo para
mapanatili ang magandang kalusugan ng sanggol habang nasa sinapupunan pa nang
ina.
Kabilang sa
buong araw na aktibidad ang information and education campaign higgil sa
panganganak sa mga lying-in centers; libreng laboratory work up katulad ng
hemoglobin determination at urinalysis, libreng family planning services, tulad
ng bilateral tubal ligation, IUD, depo at pagbibigay ng pills.
Magkakaroon din ng libreng papsmear at mga
supplements.
Pinasalamatan naman ni Dr. Sotea ang Lokal
na pamahalaan ng Mlang dahil sa siento-porsiyentong suporta nito hinggil sa
pangangalaga ng mga buntis.
Umaasa si Sotea na sa pamamagitan nang
aktibidad makakamit ng bayan ng Mlang ang zero maternal deaths partikular sa
mga buntis.
Mahigit isang dosenang mga lying inns na ang
naipatayo sa ibat-ibang barangay ng bayan sa tulong ng Department of Health at
nang LGU Mlang. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento