Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 patay, 6 grabe sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Pres. Roxas, North Cotabato

(Pres. Roxas, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Tatlo ang naiulat na namatay habang anim naman ang nasa malubhang kondisyon makaraang masangkot sa aksidente ang dalawang motorsiko sa bahagi ng Brgy. Labuo, Pres. Roxas, Cotabato alas 9:30 ng gabi nitong Sabado.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Spokesperson PSI Jojet Nicolas na kinilala ang mga nasawi na sina Filimon Tayco, PhilJohn Jabonillo at Ryan Mendoza, drayber at residente ng brgy. Kamarahan ng nasabing lugar.

Samantala kritikal naman ang isa pang drayber na kinilalang si Joel Ynion, 39-anyos, may asawa at residente ng Poblacion, Pres. Roxas, Junita Jabonilla, at isa pang Ynion na edad 50-anyos at Johnny Jabonilla, 41-anyos kapwa residente ng Poblacion ng nasabing lugar habag nasa malubhang kalagayan din ang dalawa pang pasahero na kinilalang sina chariemar Mendoza at Marcone Managuit na kapwa residente ng Brgy. Kamarahan ng nasabing bayan.

Batay sa ulat na nakarating sa CPPO, binabaybay ng isang Kawasaki Bajaj na may side car at may license plate NR 4851ang kahabaan ng National Highway buhat sa Poblacion ng President Roxas ng aksidenteng mabangga sa isang Honda XRM 125 na may plakang 4858 mula naman sa kasalungat na direksiyon.

Dahil sa lakas ng pagkakabunggo, tatlo ang patay kasama na dito ang drayber ng XRM na si Mendoza at ang dalawang pasahero ng Kawasaki Bajaj.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero di na ito umabot pa ng buhay.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento