(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014)
---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao na sinasabing responsable sa nangyaring
pamamaril sa isang 34-anyos na magsasaka sa bisinidad ng USM Hospital na nasa
loob ng USM Main Campus, Kabacan, Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.
Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP ang biktima na si Haron Adil Kasan, may asawa at residente ng brgy.
Pisan, Kabacan kungsaan sugatan ng pagbabarilin ng suspek.
Mabilis namang isinugod sa USM Hospital ang
biktima para mabigyan ng medikal na atensiyon.
Samantala, agad namang ikinasa ng mga elemento
ng Kabacan PNP ang pursuit at dragnet operation kaya mabilis namang nahuli ang
tatlong mga suspek sa bahagi ng Brgy. Katidtuan lulan ng kulay pulang STX
motorsiklo at may license plate na 9486 MD.
Kinilala ang mga naaresto na sina: Akmad
Mahmod Mangelen, 30-anyos, residente ng brgy. Lower Paatan ng bayang ito
kungsaan nakuha mula sa posisyon nito ang isang kalibre .45 na pistol at mga
bala; Ben Sultan, 37-anyos, brgy. Lower Paatan, nakuhanan din ito ng kalibre
.45 na armas at Mike Mangelen, 43-anyos residente ng brgy. Balabak, Pikit,
Cotabato.
Nahuli ang mga suspek batay sa pagkakatugma
ng pagsasalarawan ng mga nakasaksi sa insidente.
Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas
bakal ang tatlo habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban dito at
naka-impound naman ang motorsiklo na gamit ng mga suspek.
Ang biktima ay dinala naman ngayon sa Amas
Provincial Hospital alas 7:00 kagabi dahil sa maselan nitong kalagayan.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon at
inaalam pa ng mga otoridad ang personal grudge o paghihiganti sa motibo ng
naturang insidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento