(Matalam, North Cotabato/ August 11, 2014)
---Sumailalim sa tatlong araw na Anti-Criminality Action Plan (LACAP) ang mga
Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT sa bayan ng Matalam, North Cotabato na
nagsimula noong Huwebes Agosto a-7 at nagtapos nitong Sabado.
Sa isang kalatas na ipinadala sa DXVL News,
sinabi ni PCInsp. Elias Diosma Colonio, hepe ng Matalam PNP na layon ng
nasabing aktibidad na sanayin ang mga kasapi ng BPAT upang maging epektibo sa
kanilang tungkulin at responsibilidad.
Sumailalim sa naturang pagsasanay ang unang
batch ng kasapi ng BPAT mula mga brgy ng New Alimodian, Tamped, Arakan,
Taguranao, Bato, Pinamaton, Sta. Maria, Linao, Latagan, Bangbang at Sarayan,
lahat ay mula sa North District ng Matalam na may kabuuang partisipante na 179,
ayon pa kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ng Matalam PNP.
Kaugnay nito, layon din ng pagpapalakas ng
BPAT sa bayan ay upang makabuo ng mga outpost na babantyan ng mga BPAT sa bawat
barangay bilang force multiplier sa ilalim ng superbisyon ng kanilang mga
barangay opisyal.
Samantala, gagawin naman sa Agosto a-14 ang
ikalawang batach habang sa Agosto a-21 naman an ikatlong batch ng training na
may kabuuang 680 mga BPAT memebers ang isasailalim sa naturang seminar mula sa
34 na mga barangay ng Matalam, dagdag pa ni SP01 Gravidez. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento